Posts

MGA ALUT ni LARC

Image
KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN    Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,   Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan; Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang, Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban, Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!   Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos, Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos; Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod, Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!   Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon, Kung...